Advertisers
Inaprubahan ng House Committee on Justice ang Committee Report nito para sa panukala na layong patawan ng parusa ang mga nambabato o naghahagis ng matitigas na bagay sa mga sasakyan.
Sa ilalim ng House Bill 2946 na iniakda nina Ilocos Norte Rep. Christina Farinas at PROBINSYANO AKO Partylist Rep. Rudys Caesar Farinas, parurusahan ang sinuman na magtatapon ng bato, bote, kahoy, bakal o anumang matitigas na bagay, kasama na ang itlog at dumi ng tao, na maaaring makasagabal sa nagmamaneho ng sasakyan, makasira ng sasakyan at makadisgrasya, makamatay o makapanakit ng driver at pasahero.
Ang sinuman lalabag dito ay papatawan ng 25 taong pagkakakulong at pagbabayarin ng multang P100,000, bukod pa sa civil liabilities kung humantong ito sa kamatayan.
Papatawan ng naman ng minimum na penalty na 1 year imprisonment at multang P10,000 ang violators bukod pa sa repair ng nasirang sasakyan.
Kung mauwi naman sa injury ang pambabato, limang taong pagkakakulong at P15,000 na multa ang ipapataw na parusa bukod pa sa civil liabilities para sa pagpapaospital at pagpapagamot ng biktima. (Henry Padilla)