Advertisers

Advertisers

FAITH HEALER MAY KASONG RAPE, ITINUMBA

0 668

Advertisers

PINATAY ang isang kilalang albularyo ng hindi nakilalang gunman nitong Huwebes ng umaga sa Brgy. Nazareno, Naic, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Arturo Solon, 40, faith healer (albularyo), residente ng Brgy. Ibayo Silangan, Naic, Cavite.
Hindi naman nakilala ang salarin na nakaitim na sando at pulang sombrero na matapos pagbabarilin ang biktima mabilis na tumakas.
Sa ulat, 7:45 ng umaga kalalabas lamang ng biktima sa 7-11 convenience store at naglalakad na ito pabalik sa kanyang sasakyan nang biglang lapitan ng armadong salarin at sunod sunod na pinagbabaril.
Sikat na faith healer si Solon hindi lamang sa Cavite kung hindi pati na rin sa ibang lugar dahil aktibo ito sa paggamit ng social media kung saan ipinapakita ang mga panggagamot niya kaya dinadayo ito ng taga ibang lugar at tinawag pang Online Healer na kaya umanong magpagaling kahit online lang.
Nitong Enero ng taon naging kontrobersyal si Solon dahil sa kasong Rape na isinampa ng magkapatid na dumayo pa mula Bacolod upang magpagamot sa kanya pero na abswelto ito kalaunan. (Irine Gascon)