Advertisers

Advertisers

P6.8M shabu nasamsam ng NPD

0 212

Advertisers

Nasamsam ng Northern Police District (NPD) ang nasa P6.8 milyon halaga ng shabu sa isang big-time drug pusher sa isinagawang follow-up buy-bust operation sa Taguig City.
Kinilala ang naaresto na si Rahib Abdul, 34, ng Brgy. New Lower Bicutan, Taguig city.
Narekober sa suspek ang tinatayang nasa 1 kilo ng shabu na may standard drug price P6,800,000,00.
Ayon sa ulat, ala-1 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU)ang buy-bust operation kontra sa suspek sa harap ng No. 178, M. L. Quezon St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig, City sa koordinasyon sa PDEA at kay P/Col. Celso Rodriguez, hepe ng Taguig City Police.(Gaynor Bonilla)