Advertisers

Advertisers

Bebot nagpanggap na kasambahay para makapagnakaw

0 179

Advertisers

Nahuli ang isang babae na nagpapanggap na kasambahay para pagnakawan umano ang mga pinapasukang amo sa Metro Manila at iba pang probinsya.

Kinilala ang suspek na si Gina Rose Ballad.

Sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng Regional Special Operations Unit ng Police Regional Office 4A ang suspek sa Binangonan, Rizal.



Sinabi ng PRO 4A na agad silang nag-deploy ng team nang makatanggap ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng suspek.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Eunice de Guzman, spokesperson ng PNP PRO 4A, marami nang nabiktima si Ballad mula sa Cavite at NCR.

Sa ulat, na noong Pebrero nanasukan ang isang babae bilang kasambahay sa isang bahay sa Novaliches, Quezon City.

At tinangay din niya ang mga gamit at pera ng kaniyang amo.

Hulyo naman nang limasin ni Ballad ang aabot sa P1 milyong halaga ng gamit sa kaniyang amo sa Dagupan City.



Nagtungo sa NBI si Caren Tevanny dahil namukhaan niya ang suspek na nasa video, na nambiktima sa kaniya noon pang nakaraang taon.

Nagpasalamat sa mga awtoridad ang mga nabiktima ng suspek sa pagkakahuli ni Ballad.

Hinikayat ni de Guzman ang iba pang nabiktima ng suspek na makipag-ugnayan sa RSOU ng PRO 4A para sa mga karagdagang kaso na maaaring isampa laban sa kaniya.