Advertisers

Advertisers

5 magkakamag-anak grabe sa sunog

0 185

Advertisers

Sugatan ang limang magkakamag-anak, kabilang ang dalawang bata, nang masunog ang isang commercial establishment sa Brgy. Makiling, lungsod ng Calamba, Laguna, Biyernes ng gabi.

Ayon sa report ng Calamba police, nagsimula ang sunog 6:00 ng gabi at umabot ito sa ikalawang alarma.

Idineklara itong fire out ng Calamba BFP makaraan ang isa at kalahating oras.



Agad isinugod sa ospital ang caretaker ng establishment na si Rolando Oliver, 27, na siyang tatay ng dalawang bata.

Sugatan din ang maybahay nitong si Hanna Rose, at mga anak na 4 at 6 anyos, at ang isa pa nilang kaanak na si Justine Oliver na mga nagtamo ng first- at second-degree burns.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang padre de pamilya ang caretaker ng nasunog na estalishment at nakulong ng apoy ang mga biktima bago sila nailigtas ng mga sumaklolong tauhan ng BFP.

Isinugod ang mga ito sa pagamutan sa Calamba para lapatan ng kaukulang lunas.

Inaalam pa ang pinagmuoan ng sunog at kung maagkano ang halaga ng pinsala.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">