Advertisers
Nasawi ang mag-asawa nang pagbabarilin ng sekyu sa loob ng bahay sa CICC compound sa Mandaue City, Cebu.
Kinilala ang mga biktima na sina Romeo Oro, 38 anyos; at Maria Chona Oro, 29.
Ayon sa pulisya, nitong Lunes ng umaga nang magtungo sa CICC compound ang salarin na si Celso Lauro, isang security guard, at ipinagtanong kung saan ang bahay ng mag-asawang biktima.
Nang maituro ng kapitbahay kung saan nakatira ang mga Oro, pinuntahan ni Lauro at pinagbabaril sa loob ng bahay.
Kaagad na tumakas si Lauro at sasakay na sana ng bus pero naaresto ng pulis na malapit lang sa pinangyarihan ng krimen.
Inamin ni Lauro sa pulisya ang ginawang krimen. Sinabi rin nito na may relasyon sila ng babaeng biktima.
Sasampahan si Lauro ng reklamong double murder.