Advertisers
Arestado ang isang aktor at apat pa sa ikinasang buy bust operation sa Don Antonio Heights Zuzuarege, Barangay Holy Spirit, Quezon City Sabado ng umaga.
Kinilala ang naarestong aktor na si Dominic Roco.
Ayon sa Quezon City Police District, target ng ikinasang drug operation ang suspek na si Reynaldo Sy Sanchez, alyas ‘Pogi’, 45 anyos at residente ng naturang barangay.
SA report, huli sa akto ang suspek na si alyas Pogi sa patutulak nang magbenta ng P500 na halaga ng shabu ang pulis na nagkunwaring buyer.
Kasama umano ni alyas Pogi sa transaksyon ang 33 anyos na aktor at ang mga suspek na sina Eugene Marvin Tolentino, 27 anyos; Renz Anthony Cruz, 33, at Dexie Diamante, 21 anyos.
Narekober mula sa mga ito ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000 at 10 gramo ng marijuana na tinatayang nasa P14,000 ang halaga.
Ikinasa ang operasyon ng Quezon City Police District Station 14 Drug Enforcement Unit.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng naturang himpilan ang actor at apat na mga kasama na mahahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Anak ai Dominic ng beteranong aktor na si Bembol Rocco.
Wala pang inilabas na pahayag ang kampo ng naturang aktor.