Advertisers
Tinadtad ng saksak ang isang lola ng embalsamador nang tumangging makipagtalik sa Leyte.
Kinilala ang biktimang si Magdalena Mejares, 78.
At nadakip ang salarin na si Ramel Aporto dela Cruz, 37, residente ng Brgy. District 1, Babatngon, Leyte.
Sa report, 7:50 ng umaga nitong Miyerkules nang madiskubre ang nangangamoy na bangkay ng biktima sa basurahan sa Tapitan Funeral Parlor na pinagtatrabahuhan ni dela Cruz.
Ayon sa ulat, umamin ang lasing na salarin na pinatay niya ang biktima, nang tumangging makipagtalik sa kanya.
Para maitago ang krimen, itinapon ni Dela Cruz ang bangkay ng biktima sa basurahan at tinabunan lang ng mga basura.
Nahaharap si Dela Cruz sa kasong murder. (PFT team)