Advertisers
Patay ang dalawa katao habang sugatan ang isa pa sa salpukan ng aluminum van at motorsiklo sa Brgy. Sta Teresita, Baao, Camarines Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Fermin Galvez at Roger Babol Sr.
Sa ulat, habang binabaybay ng isang van na minamaneho ni Albert Cerillano, 38, residente ng Lagonoy, Camarines Sur ang kalsada patungog Baao Proper nang biglang makabangga sa motorsiklo na minamaneho ni Fermin Galvez, 32, kasama ang dalawang pasahero.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga, binawian ng buhay ang driver ng motorsiklo at ang isa sa mga pasahero nito habang sugatan namang itinakbo sa ospital ang isa pa.
Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang driver ng van habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa aksidente.(PFT team)