Advertisers
NADALE ng nag-iisang lotto bettor ang mahigit P128 million na jackpot prize sa Grand Lotto 6/55.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nakuha ng bettor ang winning number combination na 2 12 22 27 3 29 na binola nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 23.
Ang winning ticket ay binili sa lotto outlet sa Valenzuela City.
Kabuuang P128,397,144 ang kaniyang napanalunan.
Samantala, wala namang nagwagi ng jackpot sa Mega Lotto 6/45.