Advertisers

Advertisers

Reklamo vs Pimentel sa paglabag sa quarantine protocols, submitted for reso na – DoJ

0 240

Advertisers

INIUTOS na ng deputy state prosecutor ng Department of Justice (DoJ) na humahawak sa reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel dahil umano sa paglabag nito sa quarantine protocols ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na bilisan ang paglalabas ng resolusyon sa reklamo.
Ito ay kasunod ng pagkumpirma ni DoJ Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon na submitted for resolution na ang reklamo.
Ang reklamo ay inihain sa DoJ ng dating Makati School of Law Dean Rico Quicho matapos itong pumasok sa Makati Medical Center para samahan ang kanyang asawa kahit nakakaranas ito ng mga sintomas ng covid at kinalaunan ay nagpositibo sa naturang sakit.
Matatandaang Abil 5, 2020 nang nagsampa ng reklamo sa DoJ si Quicho dahil umano sa paglabag ni Pimentel sa RA11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at iba pang patakaran ng Department of Health (DoH). (Josephine Patricio)