Advertisers

Advertisers

Titser huli sa rape sa 15-anyos student

0 300

Advertisers

INARESTO ng pulisya ang isang guro na inireklamo ng pangagahasa sa isang dalagita sa Aglipay, Quirino.
Itinago sa pangalang Imee, ang 15 anyos na biktima na residente ng naturang lugar; habang ang suspek ay kinilalang si Efren, hindi tunay na pangalan, 39, guro sa elementarya, residente rin ng nasabing bayan.
Ayon kay Poluce Capt. William Agpalza, hepe ng Aglipay Police Station, tumawag sa kanilang himpilan ang pamilya ng biktima na biglang nawala ang kanilang anak na dalagita habang nagaganap ang isang kasayahan sa kanilang tahanan.
Sa report, nagduda ang pamilya ng dalagita na kasama ng guro ang kanilang anak kaya nagtungo sila sa paaralan, subali’t nakasarado ang classroom ng guro.
Habang kinakatok nila umano ang classroom ng guro, dumating ang tinawagan ng pamilya na mga awtoridad at nang buksan ang pintuan ay naaktuhan nilang magkasama sa loob ng classroom ang dalagita at guro, at may nakita rin sila sa loob sa isang kama na magulo na tatlong condom at isang gamit na, pinaniniwalaang ginamit ng guro.
Sa pag-iimbistiga ng PNP Aglipay, nanggyari ang pangagahasa sa dalagita ng guro noong tanghali ng Setyembre 19, 2020 sa loob mismo ng nasabing classroom.
Natuklasan pa sa cellphone ng biktima ang usapan ng dalawa na pinapupunta ng guro ang dalagita sa paaralan kungsaan may gagawin umano sila.

Sa pagtatanong ng mga otoridad sa biktima, inamin nitong nagalaw siya ng guro. Kaya inaresto ng pulisya ang suspek.
Napag-alaman na nagkaroon ng relasyon sila Efren at Imee noong 13-anyos pa lamang ang biktima.
Sa ngayon, nakakulong na si Efren sa Aglipay Police Station habang pinoproseso ang isasampang kaso laban dito at nagsasagawa narin ng imbestigasyon ang Department of Education (DepEd).(PFT team)