Advertisers

Advertisers

4P’s parent leader dinukot at kinuha ang P54k winidraw sa ATM

0 317

Advertisers

DINUKOT at tinangayan pa ng P54,000.00 perang winidraw sa ATM ang isang 4P’s parent leader nitong Miyerkules ng umaga sa Poblacion, Kalibo.
Nakilala ang biktima na si Emilyn Piano, 46, ng Bachaw Sur, Kalibo at parent leader ng mga 4P’s benificiary.
Sa report ng Kalibo PNP, natuklasan ng pamilya ng biktima ang insidente nang makatanggap ng text mula sa cellphone mismo ng biktima na nagsasabing: “Sa kamag-anak nitong may-ari ng cp, pakiusap, dito namin ibaba sa kahabaan ng Libas, Banga. Di namin siya sinaktan, pera lang ang kailangan namin.”
Kaagad namang nagtungo ang mister ng biktima na si Rodel sa Banga PNP Station para i-report ang insidente, at nag-report din ang dalagang anak nito na si Charlene sa Kalibo PNP.
Ayon sa ulat, nakita si Emilyn naglalakad sa madilim na highway ng Libas.
Ayon sa salaysay ng biktima, papunta na siya sa tindahan ng mga RTW’s ng kanyang kapatid sa bahagi ng N. Roldan St. matapos mai-withdraw ang laman ng 20 ATM cards sa Magsaysay Park ng kanyang mga miyembro na may kabuuang P54,000.00.
At hindi pa umano ito nakakarating sa pupuntahan nang may tumabi sa kanyang traysikel na minamaneho ng naka-facemask at inilalok siyang ihahatid.
Tumanggi umano noong una ang biktima, subali’t pumayag din umano ito kinalaunan, hanggang sa dumating maya-maya ang isang van.
Ayon pa sa biktima, pinasakay siya sa van ng driver ng traysikel, habang hinahawakan naman sa kamay ng dalawang taong naka facemask din sa loob ng van.
Piniringan umano ng mga suspek ang kanyang mga mata, pinatungan ng kahoy sa kanyang kandungan, at sinabihang sumunod lang sa gusto nila.
Kinagabihan, pinakawalan din siya sa Libas, Banga, nang makuha na ang perang winidraw, ATM cards, at cellphone.
Patuloy pang iniimbestigahan ng Kalibo PNP sa insidente.(PFT team)