Advertisers

Advertisers

JO gamit ang ambulasya ng munisipyo sa pagtutulak ng droga

0 283

Advertisers

ARESTADO ang isang tauhan ng San Jose City government sa Nueva Ecija sa pagbebenta ng shabu.
Ayon kay Police Lt. Col. Heryl Bruno, target ng operasyon si Julito Dones, 49, na may job order na position sa city hall bilang driver ng ambulansiya.
Sinabi pa ni Bruno na high-value target si Dones.
Hinuli si Dones nang bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P500 sa may Barangay 1st Abar.
Nakuha sa suspek ang 3 pakete ng shabu.
Gamit pa ng suspek ang ambulansiya ng lokal na pamahalaan nang mangyari ang bentahan ng droga.(PFT team)