Advertisers

Advertisers

Opisyal ng MILF, sugatan sa ambush

0 185

Advertisers

Sugatan ang sa isang mataas na opisyal ng Moro Islamic Liberation Front sa ambush sa Barangay Colonia, Lamitan City, Basilan Martes ng gabi, September 20.

Kinilala ang biktima na si Rajan Abdurahman, isang MILF official sa Basilan, isa sa limang probinsya ng Bangsamoro region.

Sa ulat, nakaligtas ang posibleng target ng ambush na si Abdurahman na sakay ng isang itim na kotseng Hyundai na may plakang NCI 2979 na nagkabutas-butas dahil sa mga tama ng bala.



Sugatan ang kasama ni Abdurahman na si Harkie Jawabin Kasain na nilalapatan ng na lunas sa isang pagamutan.

Magkahiwalay na kinondena ng local officials sa Lamitan City at ni Basilan Gov. Jim Salliman ang insidente.

Ayon kay Brig. Gen. John Guyguyon, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nagtutulungan na ang kasapi ng Lamitan City Police Office at mga unit ng Basilan Provincial Police Office sa pagkilala sa mga salarin.