Advertisers

Advertisers

3 NPA patay sa sagupaan sa Quezon

0 235

Advertisers

TODAS ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) kasunod ng bakbakan sa pagitan ng militar at rebelde sa Sitio Lagmak, Barangay Pagsangahan, General Nakar , Martes ng umaga (Setyembre 20).

Sinisikap pa ng militar na tukuyin ang pangalan ng mga napatayna rebelde habang pinoproseso ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang kanilang mga bangkay.

Ayon sa ulat, naka-engkwentro ng platoon size ng 22nd Division Reconnaissance Company (22DRC), sa pangunguna ni Army Lieutenant Genosolanggo, ang mga rebelde habang nagsasagawa ito ng Focus Military Operation sa ilalim ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG) Narciso at Executive Committee ng Sub-Regional Military Area-4A (SRMA-4A) sa pangunguna nina alyas “Yayo’”at alyas “Luis”.



Nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong rebelde habang ang iba ay nagsitakas patungo sa magubat ng lugar.

Narekober sa pinangyarihan ng labanan ang da-lawang M16 Armalite rifles, isang R4 carbine, at isang M203 grenade launcher.