Advertisers
Nakatutuwa ang Cavite. Binabawal na ang videoke sa lugar nila. Dito sa Manila, Barangay 128, halos lahat ng building gabi-gabi may videoke. Inaasa sa building officials pag saway eh sila rin pasaway! – Concerned citizen
Malakas na raw ang signal ng Globe at Smart, ulol nyo!
Sabi ni dating Usec. Eliseo Rio Jr., nag-improve raw ang performance ng Globe at Smart noong year 2018. Eh since 2017 until now napakahina parin ng signal ng GLOBE at SMART sa Tondo area, Manila. – Concerned citizen
Martial Law Museum sa UP
Meron pala itatayo na Martial Law Museum sa UP. Sayang lang ang budget dun. Sana gastusin nalang ang pera sa mas mahalagang kailangan ng mga Pinoy. – Kiel M.
89 tserman suspendido sa katiwalian sa SAP
Dapat po kulong ang parusa sa kanilang lahat kung napatunayang nagkasala. Ang suspendido ay hindi sapat sa kanila at pera ng bayan yan. Dapat ginagamit ang kukote ng mga humahatol sa kanila, dapat hindi pairalin ang palakasan SYSTEM. DAPAT naka-publish ang pangalan nila at mga BARANGAY UPANG MABASA NG TAONG BAYAN AT DAPAT NGA FIRING SQUAD SA LUNETA SILA. Dapat ang mga uri ng mga tao na yan ay bigyan na ng final upang hindi na pamarisan. SANA PO BUKAS AY NAKA-PUBLISH NG LAHAT ANG MGA PANGALAN NILA NA KASAMA ANG BAWAT BARANGAY upang malaman ng taong bayan. Salamat po. – BOYSTAR NG TONDO