Advertisers

Advertisers

Philip Dulla biggest project ang ‘My Extraordinary’

0 627

Advertisers

MAPAPANOOD sa BL series na My Extraordinary ang newbie actor na si Philip Dulla. Ang My Extraordinary ang first television project ng AsterisK Artist Management na pinamumunuan ni Kristian G. Kabigting.

Ang eight-episode series na ito ay mula sa pamamahala ni Direk Jolo Atienza, isinulat ni Vincent De Jesus, at prodyus ng AsterisK Digital Entertainment. Tampok sa naturang serye sina Darwin Yu, Enzo Santiago, Karissa Toliongco, EJ Coronel, Sam Cafranca, Christine Lim, Kamille Filoteo, Z Mejia, Jojit Lorenzo, at iba pa.

Paano at kailan siya napasok sa showbiz?



Tugon ng 18 year old na si Philip, “I started to join the industry a year ago. My first appearance on TV was on Artistahin segment on Eat Bulaga, I was a semi-finalist there.

“After niyon, I started to join tapings, kahit extra lang… para makakuha ako ng experience habang nag-i-start sa industry. Then, I was introduced kay Sir Kristian and sa Asterisk Management and sila ang nagha-handle sa akin up to this day.”

Anu-ano na ang mga project na nagawa niya?

Esplika niya, “Aside sa Eat Bulaga, I’m also involved on an SM digital ad. I experienced being a background talent on a shampoo commecial a year ago. My biggest project right now is the character of Kevin sa My Extraordinary,”

Nabanggit ni Philip ang role niya sa My Extraordinary at kung paano siya nag-prepare rito.



“I portray Kevin Olvidar sa My Extraordinary, a college student ng Springfield University.

“I prepared for my role by brainstorming my college friends’ characteristics, attitudes, perspectives in life, and paano sila mag-deal with other people,” aniya pa.

Ano’ng na-feel niya nang nalamang kasali siya sa My Extraordinary?

Esplika niya, “Noong time na nalaman ko na kasama ako sa My Extraordinary, nagulat ako noong una, pero sobrang thankful ako. Since this is my first series, I tell myself to always stay focused, and give my best always.”

Paano niya ide-describe ang serye nilang ito? “Isa po siyang BL series. Ang My Extraordinary ay isang series na puno ng aral na umiikot sa kaibigan, karelasyon, at pamilya. Mapapanood ang pilot episode ng My Extraordinary sa Sept. 27, 2020, 11 PM sa TV 5, at 11:30 sa Asterisk Youtube Channel at Film City.”

Ipinahayag din ni Philip na wala siyang intimate or daring scene sa kanilang serye. Pero kung bigyan siya ng daring role, game ba siya?

“Ang management na lang po ang magdedesisyon para sa akin, dahil sila ang nakakaalam kung anong makakabuti sa akin,” sambit pa ni Philip. (Nonie Nicasio)