Advertisers
PINABORAN ng public health expert na si Dr. Tony Leachon ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na hindi umano sapat ang ginagawang hakbang ng gobyerno para tugunan ang coronavirus pandemic sa bansa.
Sinabi ng dating adviser ng pandemic task force ng Pilipinas, wala umano itong nakikitang pagbabago sa naitatalang kaso kada araw noong sinimulan ang pagpapatupad ng nationwide lockdown.
Base aniya sa metric ng success ay kulang pa ito at hindi pa raw ito nape-perfect ng gobyerno.
Nitong Martes nang hamunin ng Malacañang ang ikalawang presidente na mag-isip ng solusyon para sa pandemic. Posible raw kasi na maging pangulo si Robredo kung mayroon man siyang magiging solusyon.
Ipinagtanggol naman ni Leachon ang naging komento ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanging bakuna lamang ang reresolba sa COVID-19.
Dagdag pa nito na dapa i-evaluate ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para tukuyin kung saan nagkukulang ang COVID-19 measures.
Wala rin daw silbi ang pagpapaigting ng ginagawang testing sa bansa dahil kailangan pang maghintay ng 48 oras bago ilabas ang resulta.
Sa mga oras kasi na yun ay posible raw na magpunta pa kung saan-saan ang sinomang nagpa-test imbes na sumailalim na kaagad sa isolation.