Advertisers

Advertisers

19-anyos 10 araw nagbisikleta mula Metro Manila hanggang Samar

0 259

Advertisers

NAGBISIKLETA sa loob ng sampung araw ang isang binata mula sa Parañaque City, Metro Manila pauwi sa kanyang probinsya sa Samar.
Sa ulat, wala umanong pamasahe pauwi si Peter Roncales dahil nawalan ito ng trabaho dala ng pandemya.
Ngunit dahil sa pagnanais niyang makauwi na lamang sa kanilang probinsya, tiniyaga niyang mag-pedal ng lampas isang linggo.
Ayon sa report, nakarating na sa munisipalidad ng Taft si Peter nitong Lunes, Setyembre 21. Tinatayang nasa 1,000 kilometro na ang layo nito mula sa kanyang pinanggalingan sa Metro Manila.
Sa ulat, ibinahagi ng netizen na si Christian Evardone ang larawan ni Peter na pagod na pagod mula sa mahigit isang linggong pagpe-pedal ng bisikleta.
Nasa 38 kilometro pa ang layo ng Taft sa Oras, Eastern Samar kungsaan mismo ang destinasyon ni Peter.
Sinikap makauwi ng binatilyo upang makapiling lamang ang kanyang pamilya lalo na at matinding pagsubok ang kanyang kinaharap dala ng pandemya.
Sa pinakahuling upadate kay Peter, nasundo na siya ng sasakyan mula sa Oras.
At dahil mula pa siya ng Maynila, idiniretso siya sa quarantine facility sa kanilang bayan at mamalagi doon ng 14 araw upang masigurong wala siyang dalang virus sa kanyang pamilya.(PFT team)