Advertisers
NALUNOD ang tatlong magkakamag-anak nang anurin nang biglang lumakas ang agos sa ilog na kanilang pinapaliguan sa Negros Oriental.
Sa ulat, naliligo sa talon ang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak at isang pamangkin sa bayan ng Taysan nang bigla na lamang lumakas ang agos sa ilog at tinangay ang nanay at dalawang bata.
Nakita na lamang na inaanod ang bangkay ng nanay. Natagpuan naman sa ‘di kalayuan ang bangkay ng kanyang anak at nakita sa may paanan ng talon ang bangkay ng 5-anyos na pamangkin.
Naisugod sa pagamutan ang asawang lalaki at isa pang anak ng biktima.
Ang biglang pagragasa ng tubig ay dulot ng malakas na ulan sa bundok. (Ace Ramales)