Advertisers
KUMAYOD ng 28 points si Jamal Murray, 12 assists at eight rebounds at kumana ng huling 3-pointers upang akayin ang Denver Nuggets sa 114-106 wagi laban sa malas na Lakers kahapon sa Game 3 ng Western Conference finals sa Lake Buena Vista, Florida.
Umayuda si Jerami Grant ng playoff career-high na 26 points, habang si Nikola Jokic bumakas ng 22 points at 10 rebounds para sa Nuggets, na puntiryang ipantay ang series sa Game 4 Biyernes ng umaga sa Pilipinas.
LeBron James umiskor ng 30 points,11 assists at 10 rebounds para sa Lakers, na nanatiling may 2 panalo sa kanilang unang NBA Finals appearance sa dekada.
Anthony Davis na bumato ng winning 3-pointer at the buzzer sa Game 2, umiskor ng 27.