Advertisers

Advertisers

Rufa Mae nagbebenta na ng mga damit ng anak

0 297

Advertisers

IBINEBENTA na ni Rufa Mae Quinto ang mga damit ng kanyang anak na si Alexandra Magallanes na naiwan sa Manila. Naka-post  sa  RufaMaeCloset  ang mga damit  ng anak na ayon mismo sa sikat na comedienne  na yung iba ay brand new  at ang iba naman daw ay slightly  used  na.

Ang katuwiran ni Rufa Mae kaya  binebenta na niya ang mga damit ng anak para sa bagong titirhan ay kailangang mga bago na rin ang mga damit ng anak.

Sa ngayon kasi ay nasa San Francisco, California pa rin sila ng anak at baka matagalan pa raw sila makabalik ng Pilipinas.



Baka pagbalik  nila ay hindi na rin umano kasya  sa anak ang mga damit nito.

Bukod sa mga damit ng anak ay ibinebenta na rin ni Rufa Mae ang kanyang  branded bags at jewelries thru online selling.

Isa  nga sa binebenta ng actress ay ang Chanel  beach bag sa halagang  P40,000 na as on now ay baka may nakabili na.

Matagal na rin nag-on-online selling si Rufa Mae kaya kahit siguro  wala siyang project sa showbiz ay hindi sila magugutom ng kanyang anak. Isama pa na may husband siya na sumusuporta sa kanilang mag-ina. (Gerry Ocampo)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">