Advertisers

Advertisers

Kung walang itinatago, walang dapat ikatakot sa kahit anong imbestigasyon

0 212

Advertisers

HINDI ako bilib sa pag-iiwas ni Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez sa ginagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa kontrobersiyal na ‘Sugar Order No. 4’ sa sugar importation.

Muling inisnab nitong Martes ni Rodriguez ang Senate probe tungkol sa naturang “illegal” SO No. 4, dahilan para magbotohan ang mga miyembro ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Francis Totentino.

Labing-isa ang bomoto para i-subpoena si Rodriguez, 3 ang hindi pabor, at 3 ang abstain.



Ang rason ni Rodriguez kaya hindi siya sumisipot sa Senate investigation ay dahil nasagot na raw niya ang mga katanungan sa isyu noong unang magpatawag ng imbestigasyon ukol dito.

Pero giit ng mga Senador, marami pang katanungan ang dapat sagutin at ipaliwanag ni Rodriguez.

Magugunita na sa mga unang pagdinig ay inginuso ng nagbitiw na Agriculture Undersecretary, Leocadio Sebastian, na binigyan siya ng awtoridad ni Rodriguez para pirmahan ang SO No. 4 para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr..

Nang madiskubre ni PBBM, tumatayong Agriculture Secretary, ang naturang importation order ay nagalit ito, dineklara niyang iligal ito dahil walang pirma niya at wala siyang order para mag-import ng 300,000 metric tons ng asukal, dahil panahon na ng ani ng mga tubo sa bansa at hindi pa kailangan mag-import ng ganun kalaking bulto ng asukal.

Kung nakalusot kasi ang naturang SO No. 4, kikita ng limpak limpak ang mga taong nasa likod nito, habang ang ating local sugar producers ay tiyak na malulugi pati na ang mga nagtatanim ng tubo. Mismo!



Balikan natin si ES Rodriguez, kung balido ang kanyang mga rason sa pagbigay ng awtotridad kay Sebastian para pirmahan ang importation permit in behalf of PBBM, aba’y dapat taas-noo niyang harapin ang mga Senador na naghahangad lang naman ng maliwanag na kasagutan “in aids of legislation”.

Ito kasi ang problema sa mga presidential appointee, kapag naiipit na sa katiwalian, nagmamatigas na, igigiit na siya’y nagsisilbi sa pleasure ng Pangulo. Hindi katulad sa ibang bansa na nagre-resign!

***

Matunog ang usap-usapan sa loob ng Malakanyang na tinatrabaho talaga si ES Rodriguez para maalis sa puwesto.

Kasi sagabal raw ito sa mga lumalapit kay PBBM para makapuwesto sa gobyerno.

Noon kasing kasagsagan ng kampanya, marami ang nagbigay ng tulong pinansyal kay PBBM, na ang tumatanggap ay isa ring dikit sa Pangulo.

At yung mga nagbigay na iyon ng malaking salapi sa kampanya ay gustong kunin ang puwesto ni Rodriguez. Araguy!!!

Kaya pinutakte nila si Rodriguez ng mga isyu ng katiwalian kuno para mabuwisit ito at magbitiw.

Kung inyong naaalala, napabalita noon na nagbitiw si Rodriguez. Totoo raw yun. Pinigilan lang ito ni PBBM dahil malaki ang tiwala niya rito. Kasi nga malaki ang nagawa sa kanya ni Rodriguez sa kampanya. Naging chief of staff niya ito, lawyer at spokesman simula pa noong Senador siya.

Pero matagalan kaya ni ES Rodriguez ang pressure mula sa kabilang kampo? Tingin mo, pareng RB?