Advertisers

Advertisers

DAKPIN SI OCAMPO, KINGPIN AT GAMBLING LORD NG CALABARZON!

0 563

Advertisers

SA kanyang pag-upo bilang hepe ng Philippine National Police (PNP), inihayag ni Gen. Rodolfo Azurin Jr., na isa sa prayoridad ng kanyang liderato ay ang pagpapaigting na laban sa droga na numero uno na problema ng bansa.

Sinabi ni Gen Azurin Jr., na tulad ng Duterte Administration, magiging matindi pa rin ang gagawing operasyon ng PNP laban sa mga sindikato ng droga, ganon din laban sa mga pulis na sangkot sa drug peddling at recycling.

Suhestiyon kay Gen. Azurin Jr., unahin na niyang isailalim sa drug bust operation ang Region 4A CALABARZON area na kinabibilangan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon Province, na open- secret ang tindi ng operasyon ng droga, subalit hindi kumikilos ang pamunuan ng pulisya.



Isa sa notorious na drug lord na gambling operator at intelhencia kolektor pa ay ang isang nagngangalang OCAMPO na ang sentro ng pasugal na Small Town lottery (STL)- con jueteng ay sa Barangay Bagbag sa Tanauan City, Batangas.

Si Ocampo ay itinuturing na untouchable dahil sa tindi ng connection nito sa mga elected official at kapulisan sa rehiyon, ganon din sa CIDG at National Bureau of Investigation (NBI).

Bukod sa kilalang-kilala sa mundo ng droga, si OCAMPO ay bagyo din sa sirkulo ng mga gambling lords dahil sa dami ng kaibigang pulitiko at police official na nagsisilbing taga- ayos kapag nagkakaproblema ang operasyon ng mga kapwa vice lords.

Si OCAMPO ay siya ring umaaktong kolektor ng intelhencia, suhol, lagay, tong o payola, katuwang nito sa pangongolekta ng weekly protection money sa sugal at droga para sa pangalan ni Gen. Asurin Jr., at ilang mga matataas na opisyales ng PNP, ay sina alias Ding Rodriguez, mag-amang Almarez at alias Sgt. Aguas at Tata Boy.

Malamang na malamang na di pa nakakarating sa kaalaman ni Gen.Azurin Jr., ang mga kabalbalang ito sa nasakupan ni PNP Region 4A Director, PBG Jose Melencio Nartatez, Jr.



Hindi lamang sa Brgy. Bagbag, Tanauan City nakapaglagay ng rebisahan ng taya sa jueteng at bentahan ng shabu si OCAMPO, kundi maging sa iba pang mga kanugnog na siyudad at bayan sa lalawigan ng Batangas.

Ang latest na balita, siya ang nakakapag-engganyo kay Tanauan City Mayor Sonny Collantes na muling maibalik ang operasyon ng STL- con jueteng sa nasabing siyudad na nauna nang pinatigil ng alkalde nang maupo ito bilang nanalong punong lungsod noong Hulyo 1, 2022.

Matigas ang paninindigan ni Mayor Collantes na permanente na sanang itigil ang naturang iligal na sugal, pero nagawan ni OCAMPO na muling makabalik ang STL con jueteng sa Tanauan City… hanggang sa umugong ang isyu ng napagkasunduang payola na Php 5 milyon monthly sa isang mataas na opisyal ng Tanauan City hall.

Liban kay OCAMPO may halos 30 pang gambling/ drug operator sa Tanauan City at ang mga ito ay kinilala ng ating police insiders na sina Melchor, Ablao, alias Konsehal Burgos, alias Mayor Benir at Kon Angel, Lito at Kon. Perez, ng Brgy Darasa at Brgy. 7, Poblacion Proper, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Emil, Ramil, Aldrin ,Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango, Tano ng Brgy. Trapiche at Rodel ng Brgy. Sambat.

Ang iba pang gambling drug pusher con gambling operator sa Tanauan City ay kinabibilangan din ng mga babaeng ilegalista na sina alias Ms. Donna at Ms Anabel na nagmamantine ng rebisahan ng taya sa jueteng at bentahan ng shabu sa Brgy. Pantay na Matanda at Brgy. Trapiche at Ms. Lilian ng Brgy. Sambat at iba pang inaalam natin ang mga pangalan.

Ang muling pagbabalik ng nasabing sugal ay nag-iwan ng milyong kuwestiyon at pagdududa sa kakayahan ni Mayor Collantes na nakilalang magaling at incorruptible official, kaya nahalal na mayor, tinalo ang pambato ng makapangyarihang political clan na Halili family.

Ang pananahimik ni Mayor Collantes sa naunang isyu ng Php 6 milyon STL- con jueteng payola na suhol umano ni OCAMPO sa isang mataas na opisyal ng Tanauan City Government ay pagpapakita ng kabaliktaran sa pagsasalarawan kay Mayor Collantes bilang matino at maayos na punong lungsod?

Bilang mayor, inaasahan ng kanyang mga kababayan na kikilos, pahihintuing muli niya sa pamamagitan ng pagtawag sa kanyang police chief LtCol. Antonio Rotol, Jr. na ipatigil na ang sugal na front lamang sa drug pushing sa Tanauan City, tulad ng ginawa niya noong una niyang ipahinto ang STL- con jueteng noong Hulyo 1.

Ang iba pang drug pusher STL con-jueteng operator sa Batangas ay sina alias Willy Bokbok sa bayan ng Nasugbu at alias Timmy na nag-ooperate naman sa mga munisipalidad ng San Pascual at Mabini.

Dapat sigurong tanggalin na rin ni Gen. Azurin si LtCol. Rotol Jr., dahil sa malinaw pa sa sikat ng araw na di ito kumikilos laban kay OCAMPO, hindi lamang sa STL- con jueteng operation kundi dahil sa pangungunsinti din niya sa drug activities nito?

Dapat din sigurong tanungin ni Gen Azurin Jr., sina PBG Nartatez Jr., at Batangas PNP Provincial Director, Col. Pedro Soliba kung bakit nagagawa ni OCAMPO ang drug at gambling business sa Batangas at iba pang parte ng CALABARZON na hindi inaaksiyunan ng kanilang mga PNP provincial directors sa naturang rehiyon.

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.