Advertisers
INOKRAY ni Agot Isidro ang isang article mula sa Inquirer sa twitter page nito.
Caption ng post: “Now that ABS-CBN is out of the game, PCOO Secretary Andanar hopes that state-owned PTV-4 could compete with other networks in their ratings.”
Tawang-tawa ang singer-aktres sa pang-ookray sa nasabing post.
Sang-ayon naman ang netizens sa ginawang pang-ookray ng aktres kay Andanar at sa naging pahayag nito.
Paano raw aarangkada sa ratings game ang PTV-4 gayong state-owned ito?
Wala rin daw itong iprinu-prodyus na entertainment shows at homegrown talents.
Kung meron man itong ipinalalabas, ang iba ay mga shows na inimport pa sa China.
Hirit pa nila, paano raw aarangkada ang network kung pulos public service programs lang ang ini-ooffer lalo na sa panahon ng pandemya.
***
PUMALAG si Frankie Pangilinan kaugnay ng paggamit ng Duterte Diehard Supporters ng salitang ‘dilawan.’
Naaabuso raw ito at ginagawang insulto ng mga followers ng administrasyon.
Hirit pa niya, hindi raw siya faney ng anumang political party kahit pa sabihing ang kanyang amang si Senador Kiko Pangilinan ay miyembro ng Liberal Party.
Paalala pa niya, bago pa nanalo si Digong bilang Presidente ng Republika ng Pilipinas ay dati rin itong miyembro ng nasabing political party.
Sa tweet pa niya, sinabi niya na nagkakaroon ng negative connotation ng nasabing salita dahil na rin sa paggamit nito.
“Why do dds love to use the term dilawan as an insult as if their idol wasn’t literally in the liberal party from 2009-2015,” ani Frankie.
Matatandaang naging trending noon si Frankie dahil sa pag-alma ng Megastar na si Sharon Cuneta sa isang netizen na nagsabing type nitong gahasain ang half-sister ni KC Concepcion. (Archie Liao)