Advertisers
SIGURADO, gigil nang umalagwa ang basketball community. Over six months nang tumigil ang mundo ng Sports mula sa start ng quarantine last March.
Sa target na restart ngayong darating na October, todo-plano ang PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) sakaling ibigay ang green light para ituloy ang Season 45 na nahinto days after opening last March. Yun lang game after team parade ang nairaos, MAGNOLIA versus SAN MIGUEL BEERMEN, wagi ang SMB.
Training with social distancing ang ginagawa ng players ngayon sa basbas ng authorities. Kung sakali, one conference na lang ang pwede. Ngayong start na rin ng ‘BER’ months, umaasa ang Bayang Basketbolista na sumaya naman ang Yuletide season at matuloy ang Season 45.
Nakapagbukas ang NBA, nakapagtuluy-tuloy at nasasemi-finals na, sana, mairaos din ang PBA sa go signal ng INTER-AGENCY TASK FORCE (IATF). Lahat daw ng NBA players, dumaraan sa tests for health and safety monitoring at same pattern ang ia-apply sa mga ligang Pinoy.
Dikitan ang laro sa basketball, kaya hindi maiwasang isipin kung paano ang game sa umiiral na social distancing. Kung sa practice pa lang, obligado ang participants sa social distancing at iba pa sa protocol, paano kaya sa actual game? Full action pa naman ang ikinagaganda ng laro. Let’s just wait and see.
MPBL, NAGHAHANDA NA RIN
SABI nga, “The show must go on,” di po ba? Dapat ituloy ang activities kaya naghahanda na rin ang MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE ni boxing icon turned senator MANNY PACQUIAO.
Humahanap na ng possible venue para sa training bubble ang kampo ni Commissioner KENNETH DUREMDES, preparasyon sa inaasam na basbas ng IATF. Inabot ng quarantine ang Lakan Season Division Finals ng MPBL tampok ang 4 contender teams, MAKATI vs SAN JUAN dito sa North at BASILAN vs DAVAO OCCIDENTAL sa South. Sila ang isasalang sa bubble.
UST TIGERS, MAGBABAGONG-BIHIS SA NEW COACH
MATAPOS ang lipatan blues ng players topped by captain CJ CANSINO sa UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, at pagbitiw ni Coach ALDIN AYO mula sa gusot ng Sorsogon training bubbles, magbabagong-bihis ang UNIVERSITY OF STO. TOMAS sa liderato ng bagong coach.
As of writing, nakapila ang applicants: SEAN CHAMBERS, ARIS DIMAUNAHAN, ESTONG BALLESTEROS, CHRIS CANTONJOS, CHRIS GAVINA, SIOT TANQUINCEN, GILBERT LAO. Whoever wins the slot, GOOD LUCK!
SEPTEMBER CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to fellow scribe JON HERNANDEZ, SMB Public Relations Officer, to Mam AURORA A. FRANCO of AUPC and ROUELLAS. CORDERO of Makati. May you be blessed ever. HAPPY READING!