Advertisers

Advertisers

P380-M Manila Bay White Sand Project Phase 1 pinuri ni Pres. Duterte

0 464

Advertisers

Sa kanyang weekly address sa mamamayang Pilipino, pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamosong P380-M Manila Bay White Sand Project Phase 1 ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ni Secretary Roy Cimatu sa kabila ng pambabatikos sa nasabing proyekto ng mga kritiko at ng oposisyon.

Tinukoy ng Pangulo ang hindi matatawarang pagsisikap ni Cimatu na gampanan ang kanyang gawain sa kabila ng kritisismong inaabot nito sa ilang sektor na wala naman daw umanong nagagawang mabuti para sa bayan kundi ang pagbato ng mga pagbatikos at di naman nagbibigay ng suhestiyon o solusyon sa problema.

Binanggit din ng Pangulong Duterte ang malaking accomplishment ni Cimatu sa rehabilitasyon ng Boracay at iba pang mahahalagang nagawa ng Kalihim.



Samantala, base sa ating personal na obserbasyon, worth it naman talagang pagandahin kasabay ng paglilinis na isinasagawa ang baybayin ng Manila Bay.

It is about time na muling buhayin ang dating sigla at alindog ng naturang lugar na naging tradisyunal na pasyalan ng mga taga-Maynila at mga karatig lungsod nito ng mga nagdaang dekada.

May ilan lamang tayong suhestiyong idaragdag sa rehabilitation ng Manila Bay kung talagang ang ultimate purpose ng isinasagawang pagawain ay maibalik ang kalinisan at kagandahan ng baybaying dagat ng Manila Bay.

Bukod sa isinasagawa nang declogging at pagharang sa tone-toneladang basura mula sa mga estero ng Kamaynilaan at mga karatig lalawigan, meron po tayong concern naman patungkol sa ilang open dumpsites na may ilang dekada nang ipinasara ng DENR ngunit kataka-takang muling nabuhay at nag-o-operate sa panahong ito.

Malaking aspeto po ito na tila hindi natin naririnig sa mga opisyales ng ating pamahalaan partikular na sa mga namumuno diyan sa DENR.



Gaya ng isang open dumpsite diyan sa Las Pinas City na makikita mo naman ang tambak ng basura tuwing magdaraan ka sa kahabaan ng Cavitex.

Meron din diyan sa Obando, Bulacan na halos nasa gitna na ng ilog ang open dumpsite papasok ng Manila Bay.

May open dumpsite din sa Cavite City na kung di tayo nagkakamali ay ipinasara na mismo ng DENR noong 2013 or 2014 pero muling nag-o-operate ngayon.

Ito ang may pinakamalaking kontribusyon sa mga basurang dumadaloy at napupunta sa Manila Bay sa tuwing may dumarating na bagyo dito sa ating bansa.

Pati na rin ang mga nadiskubre nating hindi pagkakaroon ng poso negro ng malalaking establisimiyento diyan sa Ermita-Malate districts tulad ng mga 5-star hotels gaya ng sikat na DIAMOND HOTEL na pag-aari ni business tycoon Ramon Ang.

Hindi lamang ang hotel na pag-aari ni Mr. Ang ang walang maayos na septic tanks or none at all ika nga sa nasabing lugar kundi halos lahat ng mga hotels, motels at iba pang business establishments ng Ermita-Malate area.

Alam na alam ang sitwasyong ito ni Mayor Isko Moreno na minana lamang niya sa kanyang pinalitang alkalde na si Erap Estrada.
Di rin natin lubos na masisisi si Erap dahil minana rin nito ang problema sa waste disposal problems ng mga establisimiyentong ito sa kanyang tinalong si former Manila Mayor Alfredo Lim.

Sa Environmental Compliance Certificate (ECC) ng mga hotels at ng mga establisimiyentong ito, naka-attach ang mga kontrata nito sa MWSS para sa pagsipsip ng kanilang dumi at iba pang water waste materials kabilang na diyan ang ihi at dumi ng tao.

Marapat lamang silipin ang isyung ito ni Secretary Cimatu at ng DENR dahil base sa mga impormante natin ay may ilang opisyal ng DENR ang direktang nagkakamal ng salapi mula sa kuwestionableng usaping ito.

Going back sa isyu ng Manila Bay White Sand Project Phase 1, nakita natin ang kasabikan ng marami sa ating mga kababayang Pinoy na lumusob noong araw ng Linggo (Sept. 20) sa Manila Bay upang tunghayan at saksihan ang nakakamanghang kagandahan ng beach front na isinasagawa.

Sadyang marami ang humanga kabilang na diyan ang Pangulong Duterte kung kaya’t napakalaking hamon ito hindi lamang kay Sec. Cimatu kundi sa buong DENR na pagbutihin pa at pag-ibayuhin pa ang kanilang efforts para sa pagpapaganda ng naturang lugar.

Purihin natin si Secretary Cimatu na bagamat may kahirapang makamit ang kanyang pinapangarap ng rehabilitasyon at pagpapaganda sa Manila Bay ay hindi ito sumusuko at tahimik lamang na isinusulong ang napakagandang proyekto.

Marami ng administrasyon ang dumating at lumisan ngunit tanging sa panahon lamang ni Pangulong Duterte nagkaroon ng kaganapan ang mga proyekto na kahit sa panaginip ay di natin inaasahan makakapangyari.

Mga proyektong mag-iiwan ng legasiya para sa kabutihan at ikakaganda ng kinabukasan ng bawat Pilipino.

‘Yaong mga walang tigil na kumukontra at umeepal ay sadyang mga inggit lamang!

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com