Advertisers

Advertisers

EKONOMIYA NG MAYNILA, PROTEKTADO – ISKO

0 327

Advertisers

SINIGURO ni Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng mamamayan ng kabisera ng bansa na protektado ang ekonomiya ng lungsod sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.

Ang pahayag ay ginawa ni Moreno sa mga opisyal ng may 170 chapters ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry (FFCCCII) kung saan sinabi nito na nakaka-survive ang mga negosyo sa Maynila sa kabila ng matinding epekto dala ng pandemya.

“I want to reach as many as possible, to help them survive this pandemic. Pinagtutuunan natin ng pansin (na dapat) may negosyo, may trabaho, may kapanatagan. Kapag maganda ang negosyo, may buwis, at kapag may buwis, we can redirect it to our programs,” ayon kay Moreno.



“Your city government will not sleep. Hindi kami tutulog-tulog, hindi kami titigil. We must learn to live with COVID-19. Families, livelihoods, jobs and businesses will go down to the drain if we are not going to adapt,” dagdag pa ni Moreno.

Nalaman din sa alkalde na binigyan ng Department of Finance (DOF) ng hanggang P30 bilyon net borrowing capacity para sa kanilang high-impact projects, gaya ng Tondominium at Binondominium at ang konstruksiyon ng
Bagong Ospital ng Maynila at Manila Zoo.

“Despite the adversity of the city before I assumed office, I am grateful to the DOF for granting us P30 billion net borrowing capacity. We will continue to spend by building long-term programs that addresses problems and generates income,” ani Moreno.

Tiniyak din ni Moreno na tutuparin ng kanyang administrasyon ang lahat ng ipinangako niya noong panahon ng kampanya.

Pinasalamatan din ng alkalde ang FFCCCII dahil sa pagtulong sa COVID-19. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">