Advertisers
MAGANDANG balita para sa lahat ng 107 public elementary at high schools students sa Maynila dahil inanunsyo na ni Manila Mayor Isko Moreno sa pamamagitan ng Manila Health Department-Division of School Health Services (MHD-DSHS), na magsasagawa ng libreng online medical consultation and education kaugnay ng lahat ng aspeto ng kalusugan mayroon ang isang estudyante sa gitna ng pandemya.
Sinabi ni Moreno na ang pagpapatupad ng tatawaging “Online CO-ED (Consultation and Education) for Manila Public Schools” ang siyang magiging “new normal” sa public school education para sa elementary at high schools sa lungsod.
“The role of the healthcare providers on this new normal approach will be to offer free medical consultation, counseling, advice and or immediate first aid treatment, as well as education for the promotion, maintenance and restoration of health,” ayon kay Moreno.
Sa isang pulong kay DSHS, MHD chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan ay binigyang diin na ang layunin ng bagong sistema ay magkaloob ng online consultation and education sa lahat ng public elementary at high school students sa Maynila nang libre at sakop ang lahat ng aspeto ng kalusugan. Ang panukala ay ginawa ni DSHS head Dr. Ervin Paz Dela Rosa.
Ayon kay Pangan ang public schools ay magbubukas sa October 5 dahil dito ay sinumite ni Dela Rosa ang panukala na online consultation and education. Ang mga personalidad na kabilang sa programa ay ang mga empleyado ng MHD sa 47 health centers, school health division’s physicians, dentists, nurses at staff ng mga health center gayundin ang mga principals, teachers at advisers ng mga public schools.
Ayon pa kay Pangan, ang MHD ay magkakaloob sa bawat isang healthcare personnel na magsisilbing focal person na in-charge sa bawat paaralan, ng cellphone at SIM card, na kanilang gagamitin sa online education program, kasama ring ipagkalaloob dito ay ang medical supplies, gamot, flyers, leaflets at posters. Sakaling magkaroon ng medical emergencies, ang MHD ay magkakaloob ng electronic prescription sa pamamagitan ng Facebook Messenger o e-mail.
Ang magulang o guardians ay ituturo sa health centers sa pamamagitan ng telepono at ang health center ang siyang magbibigay ng kailangang gamot. Ang pagpapakalat ng impormasyon sa mga programa at gawain ng Department of Health at MHD ay ipatutupad din, kabilang na dito ang COVID-19 prevention; “Huwag maging BIBA (Batang Ina Batang Ama)” o pag-iwas sa teenage pregnancy at pamamagitan sa gusot sa pagitan ng mga kaklase, guro at magulang na nakakaapekto sa academic performance ng estudyante.
Ayon kay Pangan, ang dentista ay magbibigay din ng contact numbers sa mga principals, teachers, advisers at nurses na kailangan para sa dental services ng mga estudyante at para maitakda ang oras ng dental teleconsultation na maaring mangyari kahit isang beses sa loob ng isang linggo sa pagitan ng alas-8 a.m. hanggang 5 p.m.
“The school dentist and school nurse will likewise coordinate with the health center a dentist for the schedule of urgent or emergency dental treatment and provision of prescribed medicines and proper referral for prompt emergency and/or urgent dental procedure and management. The MHD will implement this oral services to promote the Department’s “WBMB 2030” or “Wala ng Batang Manileyong Bungi sa 2030,” dagdag pa ni Pangan. (Andi Garcia)