Advertisers

Advertisers

Covid update: 450 gumaling; 50 nasawi; 1,635 bagong kaso

0 343

Advertisers

KALAHATI na lamang mula sa karaniwang bilang ng mga nadadagdag na bagong mga kaso ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Martes, Setyembre 22.
Sa case bulletin no.192 ng DOH, umabot na lamang sa 1,635 ang naitalang bagong kaso ng Covid-19 dahilan para umabot na sa kabuuang 291,789 kumpara sa mahigit tatlong libo na naitatala sa nagdaang isang linggo.
Ang aktibong kaso naman ay nasa 56,097.
Sa 1,635 reported cases ngayong araw, 1,435 (88%) ang naitala mula September 9 hanggang September 22, 2020 kung saan mayroong 506 kaso sa NCR, Region 4A, 242 at Region 6, 148.
Inanunsyo rin ng DOH na nasa 450 ang gumaling sa sakit kung saan umabot na sa 230,643 ang Covid-19 related recoveries.
Habang 5,049 na ang bilang ng naitatalang Covid-19 related deaths dahil sa karagdagang 50 deaths.
Sa nasabing bilang, 38 deaths ang nangyari ngayong September, 8 noong August (16%); 3 noong July (6%) at 1 noong April (2%).
Mula sa NCR ang 20 o 40% deaths; Region 6 ay 10 o 20%; Region 4A ay 8 o 16%; Region 3 ay 4 o 8%; Region 9 ay 3 o 6%; CAR ay 2 o 4%; at tig-1 sa Region 5, Region 7 at BARMM.
Habang siyam na laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang data sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) noong September 21, 2020. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)