Advertisers

Advertisers

Korte Suprema binaril ang NCAP

0 212

Advertisers

MARAMING salamat sa Korte Suprema, pinakinggan nila ang petisyon ng transport groups na pigilan ang local government units (LGUs) na pagpapatupad ng ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP) na talaga namang walang kalaban-laban ang mga driver o motorista.

Aba, nangatuwiran pa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na hindi nila susundin ang kautusan ng Korte Suprema dahil hindi daw sila kasama sa temporary restraining order (TRO).

Pero nilinaw ng Korte Suprema na kasama ang MMDA sa order. Kaya ayon…tatalima na raw sila. Hindi na muna sila maniningil ng multa sa mga lumabag kuno sa NCAP. Dapat lang!



Ang Quezon City naman nagmamatigas na patuloy parin silang magpapatupad ng NCAP, beneficial daw kasi sa kanila ito. Sige nga, Mayor Joy, ‘kung hindi kayo ma-contempt sa katigasan ng ulo nyo.

Totoo beneficial ang NCAP sa LGUs na nagpapatupad nito, pero malaking PERWISYO ito sa mga driver/operator o motorista na walang kalaban-laban sa klik ng camera ng CCTV sa kalye. Kasi nga ni hindi ka makapangatuwiran. Malalaman mo nalang na may violations ka kapag nag-renew ka ng rehistro ng sasakyan, kungsaan malaki na ang penalty sa bawat buwan na hindi nababayarang multa na P3,000!

Ang penalty sa bawat buwan na hindi mo nababayaran ang multa ay P150. Sa loob ng isang taon ay P1,800 plus P3,000 multa ay P4,800. Paano pa kung marami kang violations? Aabot ng P20K to P50K ang babayaran mo, tulad ng nangyari sa isang abogado na umabot sa P28K ang kanyang binayaran dahil sa ilang violations niya na nalaman lamang niya nang mag-renew ng rehistro ng kanyang kotse.

Ang ginawa ng abogado, tumakbo sa Korte Suprema. Nag-petition na patigilin ang mga LGU na nagpapatupad ng NCAP. Tagumpay!

Teka, sino nga ba ang nasa likod ng NCAP na ito?



Sabi ng mga marites, ‘yung maingay at tila nagtatalumpati kung magsalita na dating Secretary ng Duterte administration na nangako noon pagkaupo na: “Sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan ay wala nang trapik sa Metro Manila.”

Dapat nga walang pakialam dito ang Land Transportation Office (LTO) dahil private company ang nagpapatakbo nitong NCAP eh. Kung hindi ako nagkakamali 30 percent lang yata ang share ng LGU sa negosyong NCAP. Mismo!

Kung maibalik man ang NCAP dapat ay magkaroon na ng mga polisiya na hindi kaawa-awa ang mga driver/operator o motorista.

Dapat gayahin ang sa Amerika na ang lahat ng lumalabag sa trapiko bago pagmultahin ay magkaroon muna ng court hearing, ‘yung binibigyan ng pagkakataon ang akusado na makapagpaliwanag kung bakit nagawa nitong lumabag sa batas trapiko. Mismo!

***

Umpisa na po ng ber months. Yes! Kung mayroon na kayong konting ipon dyan at ugali na ninyong mamigay ng pamasko sa mga kamag-anak tuwing kapaskuhan, aba’y simulan nyo nang mamili ng pakonti-konti simula ngayon habang mura pa ang presyo ng mga pangregalo at hindi pa siksikan sa mga mall.

Dahil kung sa mga susunod na buwan ka pa mamimili, sigurado nagmahalan na ang mga pangregalo at pila na sa mga mall.

Yes! Advance Merry Christmas, mga pare’t mare. Ayan na nga si Jose Mari Chan. Hehehe… God bless us all…