Advertisers
ITINUTULAK ni Ombusdman Samuel Martires na ma-amyendahan ng Kongreso ang RA 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Partikular na aniya ang pagsasagawa ng lifestyle check at pagsusumite ng Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.
Ani Ombudsman Martires, sa kanyang pag-upo ay ipinatigil muna niya ang pagsasagawa ng lifestyle check sa mga kawani ng pamahalaan dahil sa malabong probisyon at lohika.
Ayon kasi kay Martires, kailangan linawin ang kahulugan ng “living beyond your means” at “simple living” dahil magkakaiba ang interpretasyon ng bawat isa hinggil dito.
Ipinunto rin ng opisyal na kailangan nang baguhin ang SALN form.
Naniniwala ang Ombudsman na kailangan ma-repaso ang naturang batas na kadalasang ginagamit na armas ng mga magkakalaban sa politika para mag-kasuhan.
Pipilitin ni Martires na maisumite sa Kongreso ang kanilang proposed amendments. (Henry Padilla)