Advertisers

Advertisers

MAY-ARI NG PEKENG DERMA AND FACIAL SCHOOL TIMBOG SA NBI

0 765

Advertisers

KINASUHAN ng National Bureau of Investigation ang isang babaeng iligal na nag-o-operate ng training center para sa ‘aesthetic and dermatological procedures’ na isang malaking panganib sa publikong nahihilig magpaganda at magpakinis ng kutis.

Ang suspek, si Wenie Garupa Argonza, 38 anyos, ay sinampahan ng paglabag sa Education Act of 1982 matapos maaresto ng NBI sa entrapment operation sa clinic sa Argonza Aesthetic and Dermo-pigmentation Academy na nasa Unit 102 Makati Terraces Condominium, Tejeros, Makati noong August 12. Naglagak ito P12,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan.

Bukod kay Argonza, inaresto rin ang assistant nitong si Glenmae T. Bobier nang tumanggap ng P55,000 marked money na iniabot ng NBI agent na nagbayad para sa ‘training fee’ at nagpanggap na isang ‘enrollee’ sa ‘laser science training.’



Ang kanilang kaso ay isinalang na para sa preliminary investigation.

Ang pagkakaaresto sa dalawa ay yumanig sa industriya ng ‘dermatological and aesthetics industries’ dahil malaking panganib umano para sa lahat ang magkaroon ng isang peke at iligal na Aesthetic and Dermatology Training Center.

Ang singil ni Argonza sa nabibitag na estudyante ay umaabot sa P100,000 kada isa at ipinalalagay na kulang libo na ang nakapagtapos sa kanilang ‘training center.’

Dahil sa pangyayaring ito, posible ring mamulat ang Philippine Medical Association at ang Philippine Dermatological Society para paigtingin ang paghihigpit sa ‘accreditation’ ng mga nagsusulputang ‘training center,’ lalo’t bahagi sa training rito ang kaalaman hinggil naman sa ‘fractional microneedling and laser skin resurfacing’ na delikado ring bagay para sa balat at kalusugan ng bawat parokyano.

Ilang videos ang nakuha ng NBI kung saan nakita si Argonza na nag-a-administer ng ‘mesotherapy at lipodissolve injections.’



Masalimuot ang ganitong uri ng ‘procedure’ na mga lisensiyadong doctor lamang ang dapat gumawa.

Sinabi sa report na maraming pagkakataon din umanong nagpapakilalang doctor ang suspek.
Naging viral sa social media ang pagkakaaresto sa mga suspek dahil marami sa kanilang mga estudyante ngayon ang nagpaplano naring magsampa ng iba’t ibang uri ng kaso, partikular ang ‘syndicated estafa’ dahil sa umano’y panloloko sa kanila.

Sa resolusyong inilabas ni Makati City Metropolitan Trial Court, Asst. City Prosecutor Cherrylin N. Go Ortiz, nakitaan si Argonza ng paglabag sa Section 68, in relation to Section 28 ng Education Act of 1982.

“The allegations of public complainants are clear and categorical that Argonza was engaged in giving lectures, hand-on exercises and training on how to perform hydrafacial, oxyfacial, dermabrasion, chemical peeling and the use of Hifu machine without being registered with the Unified TVET Program Registration and Accreditation System (UTPRAS) of TESDA (Technical Education and Skills Development Authority,” ani Go-Ortiz.

Sa naturang resolusyon, nabatid na si Argonza mismo ang nagtuturo at ‘hands-on exercises’ kung paano gawin ang hydrafacial, oxyfacial, dermabrasion, chemical peeling at ang paggamit ng Hifu machine.