Advertisers
NAGPALABAS ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema upang ipahinto ang implementasyon ng No Contact Apprehension Program (NCAP).
Sa inilabas na press briefer ng Korte Suprema, nagdesisyon ang Supreme Court en banc na pansamantalang ipatigil ang NCAP at itinakda ang oral argument nito sa Enero 24, 2023.
Kabilang sa mga naghain ng petisyon laban sa NCAP ay ang grupong Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon, Inc. (KAPIT) at si Atty. Paa na kapwa idinawit bilang respondents ang Sangguniang Panglungsod ng Maynila.
Ipinag-utos din ng Korte Suprema ang pagbabawal na hulihin ang mga lalabag sa NCAP.
Ang nasabing TRO ay effective immediately at mananatili hangga’t hindi binabawi ng korte. (Jonah Mallari/Jocelyn Domenden/Josephine Patricio)