Advertisers

Advertisers

Malakanyang ‘di pa tinatanggap ang resignation ni DA Usec. Sebastian

0 339

Advertisers

LUMITAW sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4 na hindi pa tinatanggap ng Malakanyang ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian.

Nabatid ito nang tanungin ni Senador Risa Hontiveros si Sebastian kung tinanggap na ba ang resignation nito.

Sinabi ni Sebastian na suspendido lang siya matapos patawan ng 90 day preventive suspension.



Samantala, ipinabatid ni Sebastian na sa meeting nila sa Malakanyang noong August 1, kasama ang Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., mga DA at Sugar Regulatory Administration (SRA) officials at Landbank officials na walang sinumang tumutol sa importasyon ng asukal.

Sa katunayan aniya ay inatasan ng pangulo ang SRA na mag-draft ng Sugar Importation Order.