Advertisers

Advertisers

Drilon nais ang ‘reorganization’ sa immigration

0 182

Advertisers

NANAWAGAN si Senate Minority Leader Franklin Drilon ng “reorganization” sa Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkakabunyag sa tinatawag na “pastillas” bribery scheme sa mga illegal entry na Chinese online casino workers sa international airport ng Manila.
Sinabi ni Drilon, “really shocking” na ang isang hepe ng legal assitance ng National Bureau of Investigation (NBI), Joshua Paul Capiral, ay inaresto ng kanyang mga kasama dahil sa pagtanggap ng suhol mula sa immigration personalities na sangkot sa “pastillas” scam.
Kinumpirma ni Janet Francisco, hepe ng NBI anti-human trafficking division, sa Senate panel na si Capiral ay inaresto sa entrapment operation sa umano’y ‘di pagsama sa pangalan ng mga sangkot sa “pastillas” scam sa charge sheet kapalit ng malaking halaga.
“It only gives credence to the allegation of Mr [Allison] Chiong that the Bureau of Immigration personalities who were not charged could in fact be guilty. But because of the cover up and shown by this shocking revelation, there is a clear suppression of the evidence,” sabi ni Drilon sa hearing ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality.
Sa hearing, sinabi ni Chiong, ang immigration officer na unang nagbunyag sa bribery scheme, na 19 BI personnel na kinasuhan ng NBI ang ‘di isinama ang “bosses”.
“Wala dito ‘yung mga boss,” sabi ni Chiong sa Senate panel, patungkol sa listahan ng mga tao na nahaharap na sa reklamo tungkol sa “pastillas” scheme.
Sinabi naman ni Senador Risa Hontiveros, chairperson ng Senate panel, na ginawa niya ang 5th hearing sa “pastillas” scheme dahil wala sa mga “big fish” sa likod ng scam ang na-identify.
“The big fish have not been caught. Hindi pwedeng mga small-time lang ang mga kakasuhan, habang nagpapakasasa ang mga big-time,” sabi ni Hontiveros.
Dumalo sa pagdinig si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre. Siya ang nagtalaga kay dating BI deputy commissioner Marc Red Mariñas, na nagtalaga naman sa tatlong opisyal na sila umano ang may pakana ng mga suhulan mula sa Chinese online casino workers na punapasok sa bansa.
Sa hearing, inakusahan ni Ramon Tulfo, ng beteranong newspaper columnist at dating special envoy to China, si Aguirre na kumukuha ng parte sa “pastillas” scheme. Ipinakita pa niya ang mga larawan ng at videos ng helicopters na umano’y nagdadala ng pera kay Aguirre sa kanyang hometown sa Mulanay, Quezon province.
Diretsang tinanong ni Hontiveros si Aguirre kung siya nga ang mastermind ng “pastillas” scheme?
Dinenay ni Aguirre ang akusasyon, sinabing ang mga inaakusa ni Tulfo ay “baseless and mere hearsay”. Sinabi niyang dalawang taon na siyang wala sa Department of Justice nang mabunyag ang bribery scandal.