Advertisers

Advertisers

OPISYAL NG NBI, UTOL SA IMMIGRATION PINOSASAN SA ‘PASTILLAS’ SCAM!

0 269

Advertisers

DINAKIP ng ga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang opisyal ng ahensya at kapatid nito na personnel naman ng Bureau of Immigration (BI).
Hinuli ng NBI Special Action Unit (SAU) ang hepe ng NBI Legal Assistance Section na si Atty. Joshua Capiral at kapatid na si Christopher na immigration officer.
Dahil ito sa alegasyon ng pagkakasangkot ng magkapatid sa manipulasyon at pangingikil sa imbestigasyon ng NBI kaugnay sa ‘pastillas scam’.
Si Atty. Capiral umano ang incharge sa pagsusuri ng im-bestigasyon ng (SAU) sa kontrobersyal na pastillas scam kungsaan may kapangyarihan ito kung sino ang irerekomendang maisama o hindi sa kaso na immigration officers para sa SAU findings at sariling rekomendasyon.
Sa report, nakipagsabwatan naman si Christopher sa kanyang kapatid (Atty. Capiral) at humihingi ng P100,000.00 sa bawat immigration officer na nasasangkot sa nasabing scam, kapalit ng hindi pagsasama ng kanilang pangalan sa mga makakasuhan.
Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Lavin, ang deputy director at tagapagsalita ng NBI, na inaaresto ang magkapatid dahil sa nasabing alegasyon.
Sa akusasyon, tumatanggap umano ng suhol si Atty. Capiral para makalusot ang immigration officer na nahaharap sa kaso ng ‘Pastillas Scandal’.(Jocelyn Domenden)