Advertisers

Advertisers

Buntis at tsuper arestado sa P.6m shabu

0 268

Advertisers

ARESTADO ang dalawang High Value Target (HVT) kabilang ang anim na buwang buntis nang mahulihan ng P680,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Malolos City nitong Lunes.
Kinilala ang mga nada-kip na sina Caroline Matavia, 34, ng Barangay Sumapang Matanda; at Ronald Catambis, 46, jeepney driver, ng Brgy. Ligas; kapwa HVT at nasa PNP-PDEA drugs watchlist.
Ikinasa ang operasyon laban sa dalawa, 11:30 ng gabi sa BSU Diversion Road, Brgy. Mojon.
Nakuha sa dalawa ang 28 sachet ng shabu na tumimbang ng 100 gramo na nagkakahalaga ng P680,000. (James de Jesus)