Advertisers
NASAWI ang isang public school principal nang bumangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa tricycle sa Barangay Cadapli, Bangar, La Union nitong Lunes, Sept. 21.
Kinilala ang biktima na si Roselyn Munio, taga-Dr. Camilo Oseas, Balaoan ng naturang lalawigan.
Ang driver ng tricycle na nakabanggaan ng principal ay si Edgar Gumangan, residente ng Central West #2, Bangar.
Sa ulat, 8:00 ng umaga nang mangyari ang insidente. Papunta ang biktima sa kanilang eskuwelahan para mag-report.
Ayon sa report, parehong papunta ng silangang direksyon ang motorsiklo na sinasakyan ng biktima at ng tricycle. Pagdating sa lugar, nag-overtake ang biktima na nataon sa pag-left turn ng tricycle kaya nagkabanggaan ang dalawa.
Sasampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide si Gumangan. (Ace Ramales)