Advertisers
TIGOK ang isang drug suspect na nagpapanggap na pulis sa buy bust operation sa Nueva Ecija nitong Martes ng madaling araw.
Kinilala ang napatay na si alyas Kano, notoryus na tulak na nagpapanggap na pulis.
Ayon sa ulat, nakipagkita ang tulak sa isang nagpanggap na buyer sa madilim na bahagi ng Barangay Camanacsacan, San Jose, Nueva Ecija.
Nauwi sa engkuwentro ang operasyon at nasawi si alyas Kano.
Nakuha sa bag ni alyas Kano ang 16 pakete ng shabu at 5 pakete ng marijuana.
Pinaghahanap pa ng mga pulis ang lalaking kasama ni Kano na tumakas gamit ang motorsiklo.(Ace Ramales)