Advertisers
Dahil sa pandemya ay “grounded” ang mga kabataan natin ngayon sa kani-kanilang tahanan. Kalahating taon na silang hindi nakakagala at nakakapaglaro sa labas.
Mabuti na lang at mayroong katulad ng Artillery Foundation of the Philippines, Inc. (AFPI) na gumagawa ng hakbang para maging productive ang pagiging taong-bahay ng ating mga kabataan. Every other week ay merong isinasagawang AFPI Online Intermediate Chess Clinics para sa mga may edad na pito pataas. Merong morning at afternoon sessions ang chess clinic na pinangangasiwaan ng isa sa mga pinakamagaling na chess coach/instructor sa bansa na si Grandmaster Jayson Gonzales.
Libre po ang nasabing chess clinic na suportado rin ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), Philippine Sports Commission (PSC), Special Service Center, Philippine Army (SSC, PA), Far Eastern University (FEU) at Endgame Sports Multi-Events, Inc. (ESMI).
Para sa mga interesadong isali ang kanilang mga anak, makipag-ugnayan lamang kay Woman FIDE Master Michelle Yaon sa 0966-8108378.
***
Habang binabasa ninyo ito ay malamang na tapos na ang Game 3 ng serye sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Denver Nuggets.
Kahit na nanalo ang Lakers sa Game 2 para makuha ang 2-0 lead via a buzzer-beating trey from Anthony Davis, hindi maipagkakaila ang never-say-die attitude ng Nuggets na humabol from a double-digit deficit to take the lead in the closing seconds of the game.
Nagkaroon lang sila ng defensive lapse dahil instead na habulin ni Mason Plumlee si Davis ay dumiretso ito sa screen ni LeBron James. Ang nangyari tuloy ay nakabuwelo ng maganda si Davis para maipasok ang kanyang tres. Si Nikola Jokic na siyang dumedepensa sa inbounder na si Rajon Rondo pa ang humabol at nagtangkang dumepensa kay Davis.
Whatever happens in the Lakers-Nuggets series, sigurado tayo na maraming pahihirapan ang Denver sa mga susunod na seasons lalo na at puro bata pa ang kanilang mga star players na sina Jokic at Jamal Murray.