Advertisers
TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na wala na munang ibibigay na periodic exam sa mga estudyante sa mga public schools sa buong bansa.
Nilinaw ni DepEd Usec. Diosdado San Antonio, ang mga written outputs at performance tasks na lamang ang gagamitin upang masukat ang kaalaman ng mga estudyante.
“Ang periodic test, 20%ng grade eh. Ang i-a-administer mo, isang araw lang. Ang feeling namin, lalo na ang mga learner ngayon, iba’t-iba ang sitwasyon,” ani San Antonio.
Ayon pa kay San Antonio, posibleng malimitahan ang ‘distance cheating’ kung tatanggalin ang periodic exams, lalo pa’t may ilang mga magulang o guardian ang sumasagot sa mga activity sheet ng mga estudyante.
Nilinaw pa nito na ang hindi obligado ang mga private schools na gayahin ang naturang pamantayan. (Josephine Patricio)
***