Advertisers
Gud morning po. Wait listed po kami, hanggang ngayon nag-aantay pa kame ng SAP. Taga Laong Laan, Sampaloc, Manila kami. Samantala yung iba nakakuha na po. – Nganga sa SAP
Mga adik at tulak sa Bgy. 337, Manila
Good pm. Complain ko lang ‘tong mga user at pusher ng Bgy. 337 Zone 34, untouchable sa may tabi ng Raquel Breadhouse, tapat ng Jose Reyes. “Gil” ang pusher ginagawa sa kwarto, nakatimbre raw, ‘di magalaw ng bgy. Madami kasi kamag-anak . Mga user sila Upeng, Momoy, Marlon, Jojo, mga tricycle driver, may kasama pang mandurukot, magnanakaw. Walang magawa si Chairman Alain Padernal. Sakop ito ng Alvarez PCP. Sana makarating ito kay Yorme at mapahuli mga adik at tulak dito sa lugar namin. – Concerned citizen
Away ng Makabayan Bloc at ni Usec. Badoy
Magaling din ang ginagawang taktika ng Makabayan Bloc. Noong nakaraan na hinahamon nila si Usec. Badoy para magbitiw sa pwesto ay tandem pa sa pagbibigay ng komento sina Castro at Zarate. Ngayon nabaliktad ang sitwasyon at hinamon sila ni Parlade ng debate ay tikom na ang bibig nilang sumagot sa hamon. Ang magaling na taktika nila, manahimik at huwag patulan ang debate na hamon sa kanila hanggang sa mamatay ang isyu. Ang galing di po ba? Ganyan sila kawais at ‘di na ako magtataka kung sa mga susunod na interview kay Zarate eh sabihin na naman nya na wala silang natanggap na imbitasyon para sa nasabing debate. Kung ako kila Parlade at Badoy, tigilan nalang nila sila Zarate. Hindi pa ba sila sanay na matanggihan at pagtaguan ng mga taga-Makabayan Bloc tuwing may inaalok silang debate o pag-uusap? – Edgar Lalantacon