Advertisers

Advertisers

Para tiyaking maaayos ang simula ng F2F classes, Mayor Honey nag-ikot sa mga paaralan

0 254

Advertisers

UPANG matiyak na magiging maayos ang pagsisimula ng face-to-face classes sa lungsod ay nag-ikot sa ilang paaralan na may malalaking populasyon si Manila Mayor Honey Lacuna nitong Lunes.

Sa ginawang pag-iikot ng alkalde sa Bacood Elementary School at Aurollo High School ay inalam din nito ang lugar na dapat pang paunlarin at kasabay nito ang panghihikayat sa mga magulang ng mga bata na pabakunahan na ang mga ito bilang karagdagang proteksyon.

Inanunsyo rin ni Lacuna na ang pamahalaang lungsod ay nagsagawa pa ng karagdagang preparasyon para sa nasabing pagsisimula ng mga klase sa pamamagitan ng paglalagay ng isolation rooms para sa mga kakikitaan ng COVID-19 symptoms. Ito rin ay may health frontliners na siyang magsasagawa ng checking at kaukulang aksyon. Mayroon ding wash areas para sa madalas na paghuhugas ng kamay.



Ang kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila na sinamaham nina Vice Mayor Yul Servo, chief of staff Joshue Santiago at barangay chairwoman Evelyn de Guzman, ay nagsabi na may mga safety officers na itinalaga upang mag-ikot bago, habang nagkaklase at pagkatapos ng klase upang matiyak na ang mga basic health protocols ay nasusunod tulad ng pagsusuot ng face masks at social distancing.

Ang bilang ng mga estudyante ay kakaunti sa inaasahan lalo’t nasa
285,000 estudyante ang tinatayang pumapasok sa pampublikong paaralan pa lamang taon-taon, habang nasa 105,000 ang estudyanteng pumapasok sa pribadong paaralan.

Ito ayon kay Lacuna ay bunga ng nalikhang takot sa COVID-19, dahil dito ay sinamantala na rin ng alkalde na sabihan ang mga estudyante na naroroon na kausapin ang kanilang magulang na sila pabakunahan na o paboosteran kung eligible rin lang naman. Sinabi pa nito na ito ay mahalaga bilang karagdagang proteksyon at hindi ito ibibigay o irerekomenda kung hindi naman ito kailangan.

Maliban pa sa patuloy na disinfection ng mga classrooms sa 107 public at elementary schools ng mga tauhan ng Manila Health Department at Manila Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa pamumuno ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan Arnel Angeles , sinabi ni Lacuna na ang Manila Police District personnel ay naglagay din ng tarpaulins kung saan naroon ang hotline at QR code na maaring i-scanned para sa emergency 24/7.

Nabatid na ang pamahalaang lungsod ay nagbigay din sa mga estudyante ng mga bagong notebooks, uniforms, bags, pens, pencils, papers at mga hygiene kits.



Pinasalamatan ni Lacuna ang Division of City Schools sa pamumuno ni Supt. Magdalena Lim, mga guro at magulang sa kanilang pakikipagtulungan upang maging matagumpay ang pagbubukas ng klase.

Sinabi ng alkalde na ang klase ay gagawin ng dalawang bahagi. Ang una ay mula 6 a.m. hanggang 12 ng tanghali at ang ikalawa naman ay mula 12 ng tanghali hanggang 6 ng gabi kung saan 35 estudyante lang ang laman ng bawat classroom upang matiyak ang distancing. (ANDI GARCIA)