Advertisers
NOONG una, pilit na iniwasan ni Rodrigo Duterte na gamitin ang salitang “dilawan” sa mga bumabatikos sa kanyang magulo at masalimuot na administrasyon. Ganyan din ang kanyang mga alipores. Sa kanilang pakiwari, walang dilawan. Hindi sila kasama sa bilang. Dahil sila ang nakaluklok sa kapangyarihan, hindi sila matitinag ng mga batikos.
Ngayon, hindi na siya nagdadalawang isip na gamitin ang dilawan sa pagsasalarawan sa mga puwersang demokratiko na sumasalungat sa kanyang mga pagkukulang. Sa maikli, umaaray siya sa mga maanghang sa batikos sa kanya. Biglang nandiyan at kasama na sa bilang ang mga dilawan.
Noong Lunes ng gabi, ginamit ni Duterte ang salitang dilawan sa sagot sa mga tuligsa ni Bise Presidente Leni Robredo at ng puwersang demokratiko. Kinikilala niya ang dilawan bilang lehitimong puwersa ng pagbabago sa bansa. Wala silang pagpipilian. Nandiyan talaga ang puwersang demokratiko.
Teka, ano nga ba ang dilawan?
Balikan natin ang kasaysayan. Nang magkaroon ng payapang himagsikan sa EDSA noong 1986, dilaw ang namayaning kulay. Ito ang kulay ng himagsikan na nagpatalsik sa diktador Ferdinand Marcos, Imelda, mga kaanak, at kroni na pawang lumisan ng bansa at naging destierro (exile) sa ibang bansa. Dilaw ang kinasusuklamang kulay ng mga talunang Marcos na pawang nagsipagtakbuhan na bahag ang mga buntot.
Nang nakabalik ang mga Marcos, pinondohan nila ang mga galawang nagbabago sa kasaysayan. Pilit na iniiba nila ang kasaysayan at tinawag nilang dilawan ang mga kilusan at taong bumabatikos sa kanilang inisyatiba. Ipinalalabas nila na naging mabuti ang Filipinas sa ilalim ng diktadurya ni Marcos. Ibinubunton nila ang sisi sa mga kalaban, o mga dilawan.
Sa pagbabangong-puri ng mga Marcos, kailangan na may pagbuntunan sila ng sisi. Kailangan na may kontrabida sa kanilang dula. Walang ibang makakatugon sa ganyang laro kundi ang tinawag nilang dilawan. Ito kasi ang puwersa ng pagbabago. Sila ang kumakatawan sa pagbabalik sa demokrasya.
Iisa ang panawagan ng mga dilawan na lumahok sa himagsikan sa EDSA: patalsikin si Marcos, wasakin ang diktadurya, at ibalik ang demokrasya. Iyan ang landas ng tinalunton ni Cory Aquino, ang biyuda ni Ninoy Aquino na pumalit kay Marcos. Demokrasya ang diwa at anyo ng pamahalaan na pilit na sinisira ni Duterte upang maibalik ang diktadurya.
Kinakatawan ng mga dilawan ang mga puwersang tumututol sa anumang diktadurya. Sila ang puwersa na nagtataguyod sa Saligang Batas, ang pangingibaw ng batas (rule of law) at pagtalima sa tamang proseso (due process). Sila ang puwersang kumokontra sa malawakang korapsyon, paglabag sa karapatang pantao, at pang-aabuso sa kapangyarihan.
Isang malaking karangalan ang matawag na dilawan. Marunong sumunod sa batas at nagmamahal sa bayan at demokrasya ang isang dilawan. Ano ang kabaligtaran ng dilawan? Sila ang tinawag ni Dante Zamora na mga “baliwan.” Wala silang pagmamahal sa mga kalayaan na natatamasa ngayon.
***
NAGKLIK ang dilawan sapagkat naglipana ang mga upahang troll sa social media na ang tanging pakay ay guluhin ang mundo at buwisitin ang sinumang kabilang sa puwersang demokratiko. Basta bumatikos kay Duterte at mga Marcos, dilawan na sa kanila.
Madalas na may pumasok na tagasuporta ni Duterte at mga Marcos sa aming account sa Facebook at Twitter. Nasanay na kami. May post ako sa kanila at hayaan ninyong ibahagi ko:
“Sabi ko sa isang digoon na pumasok sa wall ko. ‘Lumayas ka sa wall ko dahil hindi ka naman kasali sa usapan. Hindi ka rin imbitado. Wala ka namang ibabahagi na matino sa talakayan. Hindi para sa iyo ang mga usapan dito. Hindi kaya ng pang-unawa mo.’ Sabay block. Tapos ang kuwento. Hindi ko na pinahaba pa. I have the last say – and last laugh too. Alam ko na masakit sa kanila ang pagsabihan ng ganito. Ano ang magagawa ko? Sa wall ko siya magkakalat. No way …”
***
HINDI namin mapigil ang ngumiti nang mabasa namin ang pahayag ni Pantaleon Alvarez, ang dating ispiker. Sinabi niya: “Let’s choose a president, who can handle this Covid situation. One who has brains (sic) and not just one who has courage. We need someone who has brains (sic).”
Bagaman mali ang Ingles, hindi namin mapigil ang magtanong sa kanyang pakay upang magsalita ng ganyan. Hindi namin alam ang konteksto, ngunt masisilip na hindi na siya sumusuporta kay Rodrigo Duterte sa tono ng kanyang salita. Sumakabilang bakod na ba siya?
Isa sa mga kinasusuklaman na nilalang si Alvarez. Matatandaan na sinusuportahan niya ang panukala ng isa pang kinasusuklamang nilalang na si Rodente Marcoleta na gawing P1,000 ang budget ng Commission on Human Rights sa panukalang pambansang budget ng 2018. Hindi sila nagtagumpay, ngunit nag-iwan ng hindi magandang impresyon kay Pantaleon Alvarez: masama siyang tao.
***
NAGLILIPANA ngayon ang ilang hindi kilalang nilalang na gumagawa ng pekeng account ng mga netizen na kabilang sa puwersang demokratiko. Noong Lunes ng gabi, bago nagsalita sa telebisyon si Rodrigo Duterte, may kumalat na isang account dala ang aming pangalan at larawan. Peke ang account na iyan.
Kagyat na iniuulat ng mga kaibigang netizen ang impostor na account. Hindi inabot ng isang oras, tinanggal ng Facebook ang pekeng account. Hindi sila magaling dahil nabisto agad at naiulat. Tama ang sabi ng isang kaibigan. Kung totoong magaling sila, hindi sila mabubuking. Try again.
***
“The lack of collective memory on some of the important historical facts in our country is not much of a problem. We can always remedy it by collectively educating our people, especially the youth. About those historical events, we can put them into proper perspective, and learn from them. The bigger problem is historical revisionism, or the tendency to revise our history, distort it to suit some agenda, or glorify the evil. Take the issue of martial law. I am appalled by the fact that some people would even claim and announce to the world that Marcos was the best president we ever had. For what? For bringing crony capitalism, centralizing massive graft in our government, and causing the arrests and detentions of tens of thousands without charges, the torture and summary executions of these people, whose fault was to oppose Marcos.” – PL, netizen
“One of the bitter lessons that martial law has offered us is the existence of people with twisted mind, who would revise history and claim that Ferdinand Marcos was the “greatest” president we ever had. Of course, these people do not know what they have been saying. They do not know or refuse to acknowledge the ills martial gave us. Martial law and the one-man rule of Marcos gave us crony-capitalism, overcentralized graft, and of course, the wanton human rights violations as evidenced by thousands of persons, who were tortured, summarily killed, imprisoned without charges, and who disappeared without seeing the dawn. This experience reminds me of Adolf Hitler, who despite exterminating more than six million Jews for the simple reason that they were Jews, is being adored by some people. I couldn’t help but experience goose pimples when I read the historical revisionism offered not by historians but people with twisted mind. I rest my case.” – PL, netizen