Advertisers

Advertisers

Miembro ng ‘Banung Drug Group’ arestado

0 280

Advertisers

NADAKIP ng Manila Police District (MPD)-Police Station 6 ang isang miyembro ng Banung Drug Group sa buy bust operation nitong Martes ng madaling araw sa may panulukan ng Pasig Line St. at A. Francisco St., Barangay 777 , San Andres Bukid, Maynila.
Kinilala ang nadakip na si Hans Kerwin Pama alyas Kerwang.
Sa ulat, 12:00 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon sa nasabing lugar. Nakuha sa tulak ang 12 gramo ng shabu na may market value na P81,600, at marked money na P500. (Jocelyn Domenden)