Advertisers

Advertisers

3 NPA patay sa engkwentro sa Sorsogon

0 263

Advertisers

TODAS ang tatlong kasapi ng rebeldeng New People’s Army, habang isa ang nabihag sa engkwentro sa Sitio Pinaglabanan, Barangay Gatbo, Bacon District, Sorsogon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rene Ezperanzate Espano alias Anjo, kasapi ng Larangan 1 Komite Probinsyal 3 at lider ng RBKU (Rebolusyonaryong Buwis sa Kaaway na Uri); Jaime Fortadez alias Moy, Vice Commanding Officer ng Larangan 1, Komite Probinsyal 3; at isang nakilala lamang na Tony alias Amon.

Ayon sa ulat, nabihag ng operating team ang isang Janine Chavez na asawa ng isang NPA na si Jordan Camacho.



Una rito, nagsasagawa ng intel drive operations ang tropa ng pamahalaan sa nasabing lugar nang makaengkwentro ang nasabing armadong grupo na tumagal ng halos 20 minutong palitan ng putok.

Narekober sa lugar ang dalawang 5.56 Baby Armalite rifles, isang kalibre 9mm na pistol, ilang bandoliers, personal na gamit ng rebelled at makapal na subersibong dokumentos.

Nakubkob din ng mga awtoridad ang maliit na ‘makeshift’ ng mga rebelde na kinabibilangan ng dalawang kubo.(Mark Obleada)