Advertisers
PINATAY ang isang retiradong dean ng kanyang apo sa lungsod ng Nueva Ecija.
Kinilala ang biktima na si Virginia Del Rosario, 68 anyos, retiradong dean ng Wesleyan University Philippines-College of Arts and Sciences, at nakatira sa Barangay Castellano, San Leonardo, Nueva Ecija.
Ang salarin na itinago sa pangalang “Hero”, 16 anyos, ay nasa kostudya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa munisipyo ng San Leonardo dahil sa pagiging menor-de-edad.
Ayon sa San Leonardo Police, nakonsensya kaya sumuko sa kanilang himpilan nitong Lunes ang salaring binatilyo na kaka-graduate lang ng high school.
Sinamahan ang binatilyo ng kanyang tiyuhin na si Rommel Puno sa istasyon ng pulisya at dito umamin na napatay niya sa saksak noong hapon ng Hulyo 20 ang kanyang lola at itinago ang bangkay sa compartment ng Nissan XTrail (RDV-596) na sasakyan ng biktima na nakaparada sa loob ng compound ng bahay nito.
Agad pinuntahan ng mga pulis ang naturang lugar at nakitang nangangamoy at naaagnas na ang katawan ng matanda.
Sinisilip ngayon ng pulisya ang anggulong dumaranas ng matinding depresyon ang salarin nang gawin ang pagpaslang sa lola matapos na hindi ito payagan ng na puntahan nito ang kanyang kasintahan sa Cebu City ilang araw bago nangyari ang krimen.