Advertisers

Advertisers

PDEA, SENATE PRES. APRUB SA BITAY!

0 381

Advertisers

APRUB sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection pero para lamang sa big-time drug traffickers.

Sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, Hulyo 27, nanawagan si Pangulong Duterte sa Kongreso, na dominado ng kanyang mga kaalyado, na ibalik ang “lethal njection” sa mga kasong iligal na droga.

Sinabi ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na nang dahil sa walang death penalty sa Pilipinas, ang mga drug peddlers ay patuloy sa kanilang iligal na transaksiyon kahit nasa loob ng piitan.



“Execution by lethal injection is for big-time drug traffickers and not for the street-level pushers. I strongly suggest that seized drugs weighing one kilogram or more should be the threshold amount,” giit ni Villanueva. Aniya, ang convicted high-profile inmates ay nagawa pang makapag-utos sa mga taong sangkot sa illegal drug trade sa labas.

Sinabi pa ng PDEA Chief na ang drug protectors at coddlers na mapatunayang guilty sa paggawa, pagpapakalat at pagtutulak ng illegal drugs ay silang dapat pasok sa death penalty.
“Tougher penalties will send a clear message and force them to have second thoughts before smuggling and trafficking illegal drugs,” sabi ni Villanueva.

Sa kabilang banda, sinabi ni Senate President Vicente Sotto lll na sinusuportahan niya ang death penalty pero para lamang sa high-level drug traffickers. Pero binigyang diin niya na ang paglilipat sa big-time drug traffickers ay mas magandang option kesa ang pagbuhay sa parusang kamatayan.

Si Sotto ay nag-file ng bill para magpatayo ng regional penitentiaries kungsaan ilalagay ang drug lords mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

“Remove them, the high-level drug traffickers, from national penitentiary and proceed with regional rehabilitation or penitentiaries and confine these guys in a separate establishment or penitentiary,” giit ng Senate president. “It’s similar to death penalty because they are isolated and it will have the same effect.”



Ang parusang kamatayan sa Pilipinas ay nilusaw noong 1987. Pero ibinalik pagkaraan ng anim na taon sa ilalim ng Estrada administration at muling pinatay noong 2006 under Arroyo administration. (PTF team)